Paboritong Libangan ng mga Tao
Isyung Panlipunan: Tsismis
Louise Marie C. Pulvera

Tayo ay nasa
malayang bansa ngunit ang mga tao ay nangingialam sa ibang buhay at agad na
gumagawa ng tsismis. Iba’t ibang balita ang ating mga naririnig mula sa bibig
ng tao lalo na sa mga kabataan. Sa panahon ngayon, inaabangan ng lahat ang mga
iba’t ibang balita mapabuti man o mapasama na patungkol ito sa ibang tao. Sa
ating bansa, konting kibot mo lang ay agad kang may maririnig na tsismis mula
sa ibang tao na patungkol sa iyong sarili. Ang tsismis rin ay nang gagaling sa
ating kasama sa pang araw-araw dahil binibigyan ng malisya ng ibang tao ang
ating nakakasama sa araw-araw lalo na kapag ito ay isang lalaki at ito ay
chismis naman sa iba. Ano nga ba ang punto nila sa pagbibigay ng chismis sa
iba? Ano ang kanilang makukuha sa pag tsi-tsismis? Wala na nga ba tayong
respeto sa iba? Na kung saan aabot ito sa punto na sila ay tumatapak sa
karapatang pangtao? Maiiwasan nga ba natin ito o sadyang wala na tayong
magagawa para ito ay mabago?
Ayon sa
Article 26 ng New Civil Code on Human Relations, sinasabi nito na “ang lahat ng
tao ay dapat irespeto ang dignidad, personalidad, privacy o pagsasarili at kapanatagan
ng pag-iisip o peace of mind ng kanyang kapitbahay at ng ibang tao. Ang mga
sumusunod at katulad na gawain na hindi matatawag na krimen ngunit maaaring
panggalingan ng karapatan upang magsampa ng kaso at pagbayarin ng danyos
(damages) at iba pang pagbabawal ay:
- Pagsilip o pambubulatlat sa privacy ng katabing bahay o tirahan:
- Pangingialam o pagdisturbo sa pribadong buhay o family relation of another;
- Pang-iintriga upang layuan ang isang tao ng kanyang mga kaibigan;
- Pambubwisit o panghahamak/pang-aalipusta ng isang tao dahil sa kanyang religious beliefs, estado sa buhay, lugar ng kapanganakan, physical defect, or other personal condition.
·
Ang maaaring ikaso sa mga taong nagkakalat ng
tsismis ay katulad ng libel at slander. Maaari ring ikaso ang slander by deed
na bukod sa paninirang puri ay may kasama itong pisikal na pananakit.
Sa ilalim ng Revised Penal Code,
ang slander o oral defamation o paninirang puri ay may katapat na pa-rusang
pagkabilanggo at pagbayarin ng danyos. Ang mapapatunayang lumabag sa batas ay maaaring kasuhan ng
criminal at civil case depende sa lebel ng kanilang pagtsitsismis o paninira.
Maaari itong slight, slander o grave oral defamation. Ang defamation ay isang malisyoso at
isinasapublikong paratang ng isang krimen, depekto (totoo man o kathang isip
lamang), kalagayan at katayuan ng isang tao, bisyo na nagdudulot sa tao ng
kahihiyan, kasiraan ng pangalan, at panghahamak. Kasama rin dito ang
pagdudungis sa alaala sa namayapang tao. Kapag ang defamation ay isinulat ito
ay libel (Facebook, Twitter, pahayagan, at iba pa). Kapag ito ay sinabi lamang
ito ay slander, at slander by deed kapag halimbawa ay sinampal ka (kahit walang
sugat) dahil ikaw ay napahiya mula sa ginawa sa iyo. Ang slander ay pwedeng
sabayan ng kasong alienation of affection (pagpapalayo sa pagmamahal ng isang
tao sa iyo) kapag nagresulta ang tsismis sa hidwaan ng mag-asawa, halimbawa, o
resulta na hindi ka na makatulog sa gabi dahil sa labis na pag-iisip, sa slight
oral defamation ang may sala ay parurusahan ng arresto menor o pagkakakulong ng
30 araw at multang hindi tataas sa P200, sa slander o grave oral defamation ang
parusa rito ay arresto mayor o hanggang anim na buwang pagkakakulong at may
kasamang multa na nakadepende sa estado ng akusado na may pahintulot ng korte.
Kadalasan, nangyayari ang pag tsi-tsismis kapag may nagawang mali ang isang tao at dahil dito ay marami ang makakapagtanto na mas maging maingat sa mga gagawin na gawain at kilos, kung sana ang panghuhusga ang ibabatay sa kung ano talaga ang nakikita ng mga tao at hindi gagawan ng isyu. Maraming mga panunukso na kung saan ang tao ang makakapagpakita ng kagandahan ng sarili ngunit natatakot ipakita kasi maaaring bigyan ng tsismis na makakasira ng pangalan. Ang mga tsismoso at tsismosa ay ang mga tinatawag na walang magawang matino sa buhay, hindi kontento sa kanilang buhay kaya sila ay umaabot sa punto na sila’y maninira ng ibang tao. Ang mga nagkakalat na tsismis ay maaaring ang iyong kapit-bahay, kaibigan, ibang tao sa iyong paligid ang kahit sino pa na kung saan ang gusto nila gumawa ng kwentong kasalungat, nakakasira o kontra sa batas. Ibang paraan naman ay ang teknolohiya, na kung saan ang mga tsismoso at tsismosa ay gumagamit ng Facebook, Twitter at iba pang social networking sites. Ang ganitong paraan ng pagkalat ng tsismis ay pinamimihasang gawin dahil inaakalang wala itong kaparusahan sa batas. Alam naman natin sa ating sarili na kapag hindi mo naman buhay ay dapat hindi na ito pinapakialaman. Pero kung ikaw ay makikialam sa buhay ng iba, ito ay maaaring mag resulta sa kagulohan, kasiraan at iba pa, ay maaaring mahahatulan ng kaso ayon sa batas. Dapat pa ba natin ito ipagpatuloy kahit alam natin na ito'y makakasira sa sangkatauhan? Ano ba ang magiging kinabukasan ng bawat Pilipino kapag ang katangiang ito ay patuloy na nangingibabaw?

Comments
Post a Comment