Posts

Image
Paboritong Libangan ng mga Tao Isyung Panlipunan: Tsismis Louise Marie C. Pulvera     Tayo ay nasa malayang bansa ngunit ang mga tao ay nangingialam sa ibang buhay at agad na gumagawa ng tsismis. Iba’t ibang balita ang ating mga naririnig mula sa bibig ng tao lalo na sa mga kabataan. Sa panahon ngayon, inaabangan ng lahat ang mga iba’t ibang balita mapabuti man o mapasama na patungkol ito sa ibang tao. Sa ating bansa, konting kibot mo lang ay agad kang may maririnig na tsismis mula sa ibang tao na patungkol sa iyong sarili. Ang tsismis rin ay nang gagaling sa ating kasama sa pang araw-araw dahil binibigyan ng malisya ng ibang tao ang ating nakakasama sa araw-araw lalo na kapag ito ay isang lalaki at ito ay chismis naman sa iba. Ano nga ba ang punto nila sa pagbibigay ng chismis sa iba? Ano ang kanilang makukuha sa pag tsi-tsismis? Wala na nga ba tayong respeto sa iba? Na kung saan aabot ito sa punto na sila ay tumatapak sa karapatang pang...